THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Monday, August 10, 2009

"LOVE" isang malaking OXYMORON

Nakakatawa talaga ang LOVE. Isa syang napakalaking oxymoron.Lahat pwede mong masabi sa kanya,baliktarin mo at totoo pa rin.Ang labo di ba? Pero ang linaw.
Masayang magmahal. Malungkot magmahal.Hindi mo maintindihan? Pero naiintidihan mo.Walang rason, maraming rason. Hindi mo na kaya. Pero kaya mo pa rin.Masakit magmahal. Masarap magmahal.

Leche... anu ba talaga??

May kaibigan ako, sabi nya dati,"Love is only for stupid people."Nakakatawa kasi laude ang standings nya,pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun,tanga na rin sya ngayon.
Lahat kasi ng nahahawakan ng love,nagiging oxymoron din.O kaya, paminsan-minsan nagigingmoron nalang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din nya.Lahat ng malalakas na tao, humihina.Lahat ng mahihina, lumalakas.Ang mayayabang, nagpapakumbaba.Ang walang pakialam, nagiging pakialamera.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang mga malulungkot, sumasaya.Ang matitigas, lumalambot.(at tumitigas din ang mga bagay na madalasnama'y malambot.)
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumatingsya sa mga taong ayaw na talaga magmahal.Napansin ko nga eh.Parang kung gusto moma-in-love ulit, sabihin mo lang angmagic words na,"Ayoko na ma-in-love!"biglang,waaaacchhaa!!..Ayan na sya. Nangaasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problemang ibang tao, ang galing-galing mong magpayo?Pero pag problem mo na yung pinag-uusapanparang nawalan ng saysay lahat ng ipinayo modun sa taong namumuroblema?? Naisip mongwala namang mali samga sinabi mo. Pero bakit wala ring tama?? Bali-baliktad din ang nasasabing mga taong tinamaan ng madugong panang pag-ibig."Ngayon ko lang nalaman na ganito pala. Sabi ko na e!!"."Ang sarap mabuhay! Pwede na ko mamatay now na!".

At hindi lang yun. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh nagpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.Tapos pag luray-luray na ang mga puso nila, syempre hindi sila yung may kasalanan. Siya!"Bakit nya ko sinaktan?!". may kasama pangsuntok sa pader yun at bagsak ng pinto.
Ang love nga naman talaga ...
Sabi sa Biblia, ang pag-ibig ay pangkapayapaan.Eh bakit kanina nakaheadlines sa dyaryo:
NANG DAHIL SA PAG-IBIG ... PUMATAY!

kahapon naman:NANG DAHIL SA PAG-IBIG...PINATAY!

minsan naman:PAG-IBIG NAG DAHILAN KAYA NAGPAKAMATAY!!

Ah oo, totoo nga namang pag-ibig ...pangkapayapaan nga naman, isipin mo,may pumapatay, may namamatay, atnagpapakamatay?!!. Eh pag nga naman ang tao, patay na ...payapa na di ba??.
Sabi naman sa Corinthians:
"Ang tunay na pag-ibig ay hindi nagseselos,walang pagnanasa."

Yun namang kaibigan ko, binugbog ng asawanyang lalaki kasi hindi raw marunong magselos.Ano ba naman yan, sumusunod kalang naman,nabugbog ka pa. Sakit nun ah, walang ganyanan.Para malaman mo,wala kang karapatan dahilpinagpawisan at nahuhubaran ang mga magulangnyan sa sarap... este mabuo lang yan, tiniiskahit na madilim tapos ngayon bubugbugin lang?!..

hhhhaaannneeppppp talaga...

Mauubos ang buong magadamag ko kasasabing mga bagay na nakakatawa pag love na angpinaguusapan. Ang daming beses ko na kasi sya nakasalubong kaya masaasbi kong eksperto na ako. Pero wala pa rin akong alam.Nakakatawa di ba?!..
Pero ang pinaka nakakatawa sa lahat ay angkatotohanang kapag gustong magpatawa ng pag-ibig,ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradongikaw ang punchline...
nakakaloka di ba??
---from angel of lovebook:banaag literary folio.

nitong nakaraang aug.1, 2009,pumanaw ang itinuturing naina ng demokrasya ng bayan...inilibing noong aug.5, 2009.

Ayon sa mga nagsulputang mgabalita sa tv, hindi pa ko nabubo nang makilala ng buong mundoang pangalang Corazon "Cory" Aquino,na syang may bahay ng senador na siBenigno "Ninoy" Aquino.Sa napag-aralan ko nung hayskul ako,noong nasa matinding "Marcos Power"pa ang madlang Pilipino, si Ninoy dawang nanguna sapag-aaklas laban sabonggang pamahalaan ng mga Marcos.Tapos, dahil sa ginawang yun ni Ninoy,kaya sya na-asasinate at dahilan ng tuluyang paglisan nya sa bansang kinalakhanat sa pamilyang sinimulan papuntang kabilang buhay...
Ang pagkamatay ni Ninoy ang gumisingsa "sleeping mob" ng pinas.Kaya nag-pass-the-message sila, mula sabibig ng isa patungo sa tenga ng iba pa.wala pa daw kasing celpon nun, kaya hindidudang hindi sila makapag conduct ngtext poll na nagsasabing:


Masaya pa ba kayo sa rehimen ng mga Marcos?
a. oo b. hindi c. whateverType in and send to 2366example:A.

kaya nga isang malaking pala-isipankung bakit prang mga colony ng iba't-ibanginsekto ang nagmartsa sa gitna ng EDSA.mga insektong dating nagbabangayandahil sa estado sa buhay, sa isang iglapeh nagkaisa para sa isang layunin;ang makalaya sa nakasasakal na kadenang gobyerno.
at dahil sa super duper power ng mga pinoy, napa-alis si Marcos.sa snap election na ginawa noon,pambato ng sambayanan ang may bahay ngnamayapang idol nilang si Ninoy;

si Cory Aquino.walang duda, sya ang nanalo.

Isang may-bahay ang nanalo sa nasabing election.sa loob ng termino nya, ibinalik nya angdemokrasyang kinakailangan ng tigang na Pilipinas at Pilipino. Tumayong ina ng pobreng mamamayan. Binusog ng panalanginang mga uhaw sa pagbabago, parang isang super hero na sumaklolo sa mga Pilipinongkinagat ng malaking halimaw na may laser gun pa.
Lumipas ang maraming taon, ilang beses nangnagpalit ng mga presidente ang mga Pinoy,pero nakasubaybay parin si Tita Cory..Kahit na nagkaka-edad na sya,present pa rin sya sa mga kalye ng kamaynilaan,sumasama sa mga nagpoprotesta kapag may napapansing mali sa pagpapalakad ng gobyerno.


Isang araw, pumutok ang balitang may sakitsi Tita Cory; cancer of the colon, nakamamatay.Nung mga panahong iyon, nagdasal ang mga Pinoy(sama na ko dun)na nagdasal para sa mabilisna pag-galing ng dating pangulo.Pero parang planado na talaga ng Diyos ang lahat.Sa kasamaang palad,binawian sya ng buhaydahilsa cardiac arrest.

Nagluksa ang mga Pinoy, tila ba isang kalapatingnawalan ng isang pakpak.Dumagsa ang madla sa pagpunta sa burol niTita Cory. Dumating ang araw ng libing nya.At parang dejavu, nagdagsaan muli ang mgaiba't-ibang uri ng insekto mula sa iba't-ibang mgacolony at sumama sa paghahatid sa hulinghantungan ng Ina ng Demokrasya.Habang tinatahak ang mahabang ruta papunta samusoleyo ng pamilya Aquino, lungkot ang tangingmararamdaman. Bumabaha ng luha, umaalingawngawang iyak ng mga tao habang sumasabay sa usad ngsasakyang naglululan ng mga labi ng dating pangulo.Inilibing si Tita Cory sa tabi ng libingan ng kanyangasawang si Ninoy.

Tunay ngang isang malaking kawalan ang isangCorazon Aquino. Isang may-bahay at ina naipinaglaban ang ating kalayaan.

Monday, July 27, 2009

bidyos ng mga kyut animals.. Ü

yan,.
bago kong diskober yan ah!
kakatuwa yu.. plamis!!
haha!

Monday, July 20, 2009

naascu sakit sa ulu..


July 18, 2009
opening ng NAASCU
at syempre, kasama dyan ang UM.
nakabenta ng mga nasa 2ooo tickets yung prof
namin sa p.e kaya mga 2000 umanians din yung
pumunta. may mga nagpunta na para sa
pagsuporta sa UM Hawks, may nagpunta para sa
atendans, meron ding para lang hindi masayang yung
45php at 20php na tiket saka props.

oras at tagpuan:
6:00 am, harap ng UM main gate.
oras ng pagdating nga karamihan:
6:30-7:00
(kasama na ko dun)
sadyang pinoy stayl.. :)

mga 8:30 na kami nakarating sa
Cuneta Astrodome.
at wow! naman!
bonggang sangkatauhan yung namasdan namin!
dami na tao!
pumila na kami sa dulo.
pero,may umepal bigla.
yung pantog ko, wiwi na talaga ako!
kaya nag hanap ako ng CR.
bitbit si cheng na isa sa mga prends ko, nagpunta
kami ng JOLLIBEE.. pero...
sarado pa!
punta kami MINI STOP.
walang CR!
(sabi ni bad apol, "magsara na kayo!")
tawid naman kami sa katabing CHOWKING.
ayun! tenk yu lord! may CR!
at dahil dun, nakaraos ako..
naramdaman ko na nilalagnat na ko nun.
balik kami sa pila, sabi samin magpa attendans daw
muna kay sir, kaya pila na naman kami dun
para makakuha ng props saka attendans.
balik ulit kami sa di umuurong na pila.
napansin namin na yung kabilang pila e umusad,
kaya lipat kami. pero hindi madali.
kinailangan namin sumuot sa mga kili-kili ng
mga taong pawis na pawis.
binubulungan ko na nga ng mura yung matabang
lalaking maanghit na kasiksikan ko sa pila e.
sabi ko sakanya ng pabulong,
"kuya, tang ina ka, ang baho mo.."
(mejo katabi ko na kasi yung tenga nya ee.)
halos magpalit palit
na kami ng mukha, hininga at kaluluwa.
matapos ang mapait na pagsiksik sa mga
nanlilimahid na kili-kili ng ibang tao, sa wakas
nakapasok din kami at nakahanap ng upuan.

nagsimula nang magsalita yung mga emcee.
ewan kung ano mga sinasabi nila, basta pag naririnig
namin yung "UM" at "UMANIANS"
nagwawala kami..
nagsimula nang magperform ng mga sayaw at kanta yung
iba't ibang mga iskul.
nung UM Dance Troupe na yung nagsayaw, gwabe!!
kamangha-mangha yung kostyum ni sir reagan!!
haha! neon green na may parang panty tas bra na blak!
wwaaahh!! katuwa!
ganda ng sayaw nila, may boom boom pow pa! haha!
bawat tili at sigaw ko, nakakalimutan kong may sakit pala
ko nun.. :)

first game:
SSB-R vs. LSB
panalo SSB.

second game:
UM vs. CEU
wak na itanong, it hurts u know?!
maganda sana yung 1st quarter e. lamang UM.
puro yung si kuyang kalbo yung nakakagawa ng
poynts. at, hawig pa sya ni chris tiu sa malayuan,
kalbo lang kasi ee.
ayun, pagdating ng ibang mga quarter, hindi na
nakalamang UM. 4th qrtr., nhung naghahabol na ng poynts
yung UM, nag cramps naman si kuya kalbo. pero
nakahabol pa, natapos yung game nang 2pts na lang
lamang ng CEU.

por short talo UM.

now yo kno!

palagi naman talo UM sa opening e, pero laging
CHAMPION sa huli. haha!
ganyan talaga ang mga bida, nagpapabugbog muna
sa umipisa!

MORAL LESSON:
wak didikit sa mga taong anghitin kung ayaw
mong maging bantutin!

ako nung bata prt_2

sa pagpapatuloy ng aking kwento...

lumaki ako na isang batang maldita..
(teka wak ka muna magreak jan!grabe ah.)
ganito kasi yun..

nung 3 taong gulang ako, lumipat kami sa
blk.1 floodway,cainta,rizal.
dun yung unang bahay na nabili namin.
maliit lang pero kasya naman kami nila
amang at inang. hehe..
dun din nakatira yung mga tita,tito saka mga
pinsan ko.
madami akong mga kalarong pinsan dun kaya
hapi ako palagi..
may maliit pa na palayan dun na nagsilbing isang
bonggang bonggang pleygrawnd namin.
(la na palay dun, pero palayan padin yung tawag, wag
mo na ko tanungin kung bakit.)
samu't saring mga bata kalaro ko nun, may mga
hubad,walang tsinelas,uhugin pati iyakin.
isa lang ang pinagkapare-pareho namin...

lahat kami, puro kamot-kamot yung paa, puro may
mga kurikong dahil palagi nadadapa at nagda-"dive"
sa palayang wala namang tubig.

may dalawa akong pinsan na sobrang epal nung munti pa kami.
sina ate "sakitpuso" saka ate "payat"..
lorraine a.k.a sakitpuso kasi may butas puso nya.. (hartbroken?!)
nene a.k.a payat kasi nga payat!
babaeng babae pangalan nuh?!
ayun, tomboy na sila ngayon..

pag pinagtitripan nila ko, hindi nila ako sinasali sa laru nila.
kaya ang ganti ko sa kanila ay isang malalim na kagat sa
braso,sa likod o kahit saan na pwede kagatin.. haha!
nung lumipat naman kami sa blk.16, may mga
bago naman akong naging kalaro dun.
sina onay,yosen,niki,heidi yung kapatid nyang si bitang.
noon uso ang larong luto-lutuan sa lata ng sardinas
na lalagyan ng tubig galing sa poso at pakukuluin sa
ibabaw ng pinagtabi-tabing bato na siniksikan ng mga dyaryong
pang siga at lalagyan ng dahon ng gumamela, at pag kumulo..
presto! may hapunan na sina nanay at tatay! yehey!
at dahil may inbolb na kumukulong tubig from da poso,
may inbolb ding danger..

BABALA:
HUWAG GAGAYAHIN
(tama nang ako lang ang gumawa, wag kang gayagaya)

si heidi at yosen..
mga mortal kong kaaway.
isang hapon, habang nagluluto kami,
umepal si heidi pati yung espren nyang si yosen.
ginulo nila yung bahay-bahayan namin,
tapos kinuha yung ibang laruan namin.. at dahil
nang-gigigil na ako sa kanya,
kinuha ko yung kumukulong tubig sa lata nga 555
at binuhos ko sa dibdib nya.
ayun, pag uwi ko, hinambalos ako ng ina ko ng
tambo, tapos pinagamot yung si heidi.
(yan,yan ang napapala ng epal.)

boyish at isip bata ko..

boyish kasi...
bata pa lang ako, mga pinsang lalaki ko na
yung nagaalaga sa akin. palagi kasi wala
yung magulang ko sa bahay ee. noon pa man, lalaki na
talaga asta ko. sa pananamit,kilos saka salita.
at ikamamatay ko talaga noon pag sinusuotan ako ng
mama ko ng bistida.
get-up ko palagi e shorts na mahaba saka tshirt, pag
umaalis, yung usong 6-pocket pa yung suot ko palagi
tapos maluwag na tshirt.
(hindi nyo ba alam na ako ang utak sa likod ng maluluwag
na damit na suot ng mga gangster at ghetto?!)

isip bata kasi...
dahil sa ako lang yung unika iha, e paborits din ako
ng mga tita saka pinsan ko.batang bibo daw kasi ako.
aliw na aliw sila sa akin pag nagsasayaw ako ng macarena
sa ibabaw ng lamesa, makarinig lang ako ng tugtog e
hahataw ako agad maski pa nasa jip. at ako rin ang
original na "batang spoiled" kasi lahat ng hingin ko e
bigay naman sila basta ba may isang production namber
ako ng macarena. :) beybing beybi din nila akong lahat.

MORAL LESSON:
wag magpapakulo ng tubig sa lata pag andyan ang
kaaway mong atribida..

Thursday, July 16, 2009

aydol..aydoL!!

buhay buhay..

lahat tayo, may mga taong iniidolo..
yung tipong talagang gustong gusto mo yung
mga bagay na ginagawa nya kung san mang larangan yun..
may sa kantahan, banda, pagtula, otor, danser, drama,
komedi o maski pa ata aktibista e inaaydol na ng
mga makabagong tao...

laging pinapanuud sa tb o pinariringgan sa radyo,
binibili yung mga peynting o librong pinablish nya.
madalas na nasa pan's dey o lister's nayt, nanunuod
ng pelikulang pinagbibidahan, bumibili ng mga
iniindorsong produkto na mga pampaputi,
pampatangkad, pampatalino kahit na siguro
produktong pampalaglag e bibilhin para lang maipakita
ang pagsuporta at paghanga nito sa isang tao..

kahit ako, may inaaydol den syempre!! wahaha!
sa artista,hmmm mukang ala naman kong aydol
kasi.. kasi.. kasi ayoko lang.
may aydol ako sa isports tsaka sa myusik tsaka sa buk writing..

sa ISPORTS...
si Christofer John Alandy Dy-Tiu

ang aydol ko, a.k.a Chris Tiu.
sa Ateneo sya nag aral, gradweyt ng Xavier hayskul
at balediktoryan sya dun.. poynt gard at naging
kapteyn bol sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP..
aydol ko sya kasi...
GRABEEEHH!! galing nya talaga sa basketbol!
matalino tsaka isang magandang ehemplo
sa mga kabataan, kasi hindi lang sya isang
basketbol pleyer/host/indorser/model/entreprenyur
kundi isa rin syang SK Kagawad..
plas, GWAPINGS at MABAIT at MAYAMAN at
MAKINIS PA ANG LEGS..
(san ka pa?! pabuntis na!) charot..
----trivia--alam nyo bang hindi nagdodoble ng saykling
syorts si chris tiu kaya madalas nakikita yung
plowles legs niya nir da singit?!---
(napapansin ko lang yun)

sa MYUSIK...
syempre, aydol ko yung "Spongecola";

na binunuo nila:
Yael (Ysmael Yrastorza Yuzon)-bokals, gitarist..

Armo (Erwin Armovit)-lid gitarist..

Gosh (Ronaldo Dilay)-beysist..

Chris (Chris Cantada)-dramer..


yan, mga galing din sila sa looban ng Ateneo.
mga magkakaklasmeyt sila.
mga nagpasikat ng kantang:
KLSP,JEEPNEY, BITIW,TULOY PA RIN,
MOVIE,PASUBALI,CLOSER YOU AND I,
PUSO,DI NA MABABAWI...
ganda talaga ng mga kanta nila, tagos sa
hart na butas butas na..
---trivia--alam nyo ba na aksidenteng nakainom ako
ng pawis ni yael sa isang event sa eastwud?!---

sa BUK WRITING...
natural, ROBERTO ONG na!!
a.k.a BOB ONG..

ai susme, da best talaga mga libro na sinusulat nya.
nakakatawa pero dami ding aral na makukuha..
(pati nga nanay ko tuwa den kay bob ong ee!!)
eto yung mga librong sinulat niya oh:
ALAMAT NG GUBAT, ABNKKBSNPLAKo?!,
STAINLESS LONGGANISA,ANG PABORITONG LIBRO NI HUDAS,
McCARTHUR at KAPITAN SINO..
sa totoo lang, yung alamat ng gubat na lang yung
hindi ko pa nababasa.. tapos, stainless longganisa palang
yung nabibili kong libro.basta astig talaga nun! hehe.. katuwa.
---trivia--alam nyo ba na halos ilagay ko pa sa preym yung
librong stainless longganisa sa sobrang adik ko kay bob ong?!---


nakakatuwa at kaka-inspayrd pag may aydol
ka sa buhay, pwedeng hindi artista o kilalang
tao. pwedeng magulang, kapatid, kamag-anak.
pwede din namang gwardya, mananahi, tubero,
tagasipsip ng dumi sa poso negro o kahit pa
teroristang swisayd bamer pwde den, basta ba
nagtutulak sayong gumawa ng mabuti at maghuhubog
sayo para maging isang tuwid na mamayang pinoy e
pasadong maging isang aydol..

MORAL LESSON:
dahil sa nabasa mo to, iidolohin mo ko,
sa ayaw at sa gusto mo!!..

Tuesday, July 7, 2009

malagim na pangyayari.. :0

paano ko ba sisimulan nag paglalahad kong ito..
hhmm..

Noong June 22, ang simula ng klasa namin sa UM.Mga 9am ako nagising mula sa aking pagkakatulog..kumain ng breakfast, naligo at humantong sa gusto kong part ng paghahanda pagpuntang skul... ang pagbibihis.. :)


sinuot kong muli yung yuniporm kona isang taon ko nang paulit ulit nasinusuot.excited kong sinuot yung bagong bili kong figlia pumps na nabili ko sahalagang 900php sa sm cubao..-mahal nu, shalen!-(wla na ngang makain 900 pa ung sapatos! langya..)tuwang tuwa naman ako kasi nga bagay daw sa akin yung nabili kong sapatos..

11 am, umalis ako ng tahanan namin..ayus pa yung pakiramdam ko nun mula ulo hanggang paa..sumakay ako ng tricycle at bumaba sa may tulay kung saan naman ko sasakay ng jeep papuntang pelaez..sa paglalakad ko papuntang sakayan ng jeep, may naramdaman akong kakaiba..

masakit yung paa ko..

naguumpisa na kong manghinayang sa 900 ko..T_T

sa pagsakay ko sa jeep, tinanggal ko muna yung pinisteng sapatos ko para naman makahinga pa yung sakal na sakal ko nang mga paa..-wag magalala, hinde mabaho paa ko..-nakadama naman ako ng ginhawa..

dumating ako sa pelaez at naglakad kao ulit, nang makita ko na yung bf ko naitatago natin sa pangalang "marky" :), sinabi kko agad sa kanya namasakit na yung paa ko. pagsakay ng tricycle papuntang LRT, tanggal ako ulit ng sapatos. dumaan kami saglit sa isang grocery para bumili ng pagkain,pati na rin ng tissue. pagpunta namin ng LRT, nilapatan ko muna ngpirs eyd ung sakong at paa kong nagwawala na sa sakit..suksok dito, suksok dun ang ginawa ko sa sapatos para medyo magingkumportable yung paa ko, pero wala pa den! inis na ko...

pagdating ng UM, nagpabili ako agad ng band eyd kay marky, kaso lalo sumakit yung sakong saka daliri ko sa paa ee.. nagpabili ako ng tsinelas sa wala wentang pinsan ni marky, na itatago namannatin sa pangalang "leo":), ayun nakatsinelas na ang lola mo! haha!dun, nagbunyi yung mga daliri ko sa paa pati sakong ko..
may pila pa ng bigas, ay este pila ng check up pa bago makapasok sa campus.dahil daw yun sa ah1n1 achuchuchu..dahil dun, umuwi na kami ni marky para mapahinga ko din yung tila nagahasa kong mga paa..

pag uwi ko, nakita agad ng mama ko yung paa ko kasi nga nakatsinelas ako.at ang masaklap dun imbis na maawa sya sa kalagayan ng anak nya..ayun tumawa pa.. kainis diba..

thursday, hindi ako makatayo dahil naimpeksyon ng bongga yung paltos kosa kanang sakong.. ay grabe, kailangan ko pang magpabuhat sa pinsan kopara lang makapunta ng cr, sala at sa kwarto.kaya otomatik, hindi rin akopumasok nun..
2 wiks den ang inabot bago gumaling yung paltos ko sa paa..hayyyyy..


MORAL LESSON:wag nabumiling pumps pag hindi ka tunay na "babae"!manahimik ka sa flat shoes! okei!?

ADVERTISEMENT: FIGLIA SHOES (black pumps) FOR SALE!! 3 hrs pa lang nagagamit yun! bago pa.. original price: 900php now: 700php nalang :) contact me at my email: juzcoolapple@yahoo.com